Ako, Ikaw at Isang Apocalyptic na Bulalakaw | Arnold Subastil | Novella

420.00

GUARANTEED SAFE CHECKOUT
  • Visa Card
  • MasterCard
  • PayPal
Categories: ,

Description

Payag ka may maka date kang magandang babae at kayo lang sa isang coffee shop tapos may sarili kayong barista? Solo niyo ang isang buong lugar sa isang mall, usap lang tungkol sa buhay, background niyo, kung anong hilig ninyo pareho,kung ano ang mga gusto niyong gawin.

…At oo nga pala, muntik kong malimutan, may dambuhalang bulalakaw sa ere na babagsak sa lupa sa loob ng sampung oras na tatapos sa buong mundo. Payag ka?

Nang matanggap ni Martin ang balitang may malaking bulalakaw na tatama sa mundo, medyo natawa sya. “Ano kami, dinosaur?” Natupad na ang hiling ng ibang Gen Z na “gusto ko na lang maging dinosaur…” dahil magiging fossil na tayong lahat.

Hindi ito kwento ng isang binatang magliligtas sa mundo mula sa apocalypse. Hindi rin ito survival story.

Gusto niya lang ng matahimik na kamatayan sa isang coffee shop at magkape ng magkape dahil nagkaroon sya ng “caffeine cleansing” nitong nakaraang linggo para maiwasan na ang acid reflux.

Pareho sila ng iniisip ni Elya. kaya sila nagkatagpo sa isang coffee shop sa loob ng mall.

Ito ang kwento ng huling sampung oras ng mundo sa mata ng mga tanggap ang katapusan.

“Earth had a good run, tingin mo?” tanong ni Elya kay Martin.

“Hindi rin. Naunahan lang tayo ng bulalakaw. Pero kung may panahon pa tayo, tayo tayo rin ang magpapatayan.”

Ito ang kwento sa mata ni Martin. Ang pag gunaw ng mundo, kasama ang isang babae at ang baristang si Greg, ang kaguluhan ng mga taong gustong makaligtas, ang pag aagawan nila ng gamit na hindi na naman nila gagamitin…

At ang mga mata ni Elya — ang pangarap nitong kahit sa huling sandali, ay ma ikwento ang buhay niya, kahit sa isa o dalawang tao lang ang nakikinig.

Additional information

Weight 0.25 g
Dimensions 10 × 2 × 20 cm

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.