R. Martinez
Si R.J Martinez (o mas kilala sa online writing world bilang FrozenHart) ay mahilig nang magsulat simula pagkabata. Mula mga simpleng drawing at komiks, natuto siyang lumikha ng mga maikling kwento, tula at nobela partikular na sa Action-Adventure at Fantasy genre. Naging bahagi siya ng kaliwa’t kanang mga grupo at patimpalak sa larangan ng pagsusulat (bilang contestant, judge, coach, resident writer, organizer, at self-published author ng ilang anthology books).
Sa tunay na buhay, siya ay nagtapos ng kursong AB English sa Cavite State University (Main Campus) taong 2015. Walong taon na sa BPO industry. Madalas abala sa trabaho at pamilya. Halos limang taon ding nahinto dahil sa mga personal na dahilan ngunit hindi nakalimot sa mundo ng pagsusulat. Ngayon nga ay muli siyang bumalik upang patunayan sa lahat na kung mahal mo ang isang bagay, hindi mo ito hahayaang mawala sa puso’t isip mo.

