Merly barcelo
Si Merly Barcelo ay nagtapos ng Master of Arts in Education major in Educational Management sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMUN). Nakumpleto rin niya ang akademikong pangangailangan sa Master of Arts in Teaching Filipino sa Philippine Normal University. Nakapagturo nang matagal na panahon ng Filipino sa primarya at sekondarya sa pribado at pampublikong paaralan at naging guro rin ng ESL sa bansang China at Bahrain. Isa rin siyang tagapagsanay sa patimpalak ng radio broadcasting – district level sa Kalayaan Elementary School sa Nueva Ecija at patimpalak sa pagbigkas ng talumpati – regional level sa Colegio San Agustin Binan, Laguna.
Nakapaglahad din siya ng kaniyang papel-pananaliksik sa 7th International Research Conference sa Rangsit University, Thailand noong 2022. Hinirang din siyang Outstanding Educator sa Filipino ng Lumina Foundation noong 2024. Mayroon siyang mayamang karanasan bilang guro sa Filipino sa Middle Year Program at College Preparatory ng International Baccalaureate sa Keys School Manila sa Mandaluyong City at The Beacon Academy sa Binan, Laguna. May karanasan din siya bilang manunulat ng textbook sa Filipino at ngayon naman ay nagsisimulang maging manunulat ng kuwentong pambata.
https://www.8lettersbooks.com/shop/kulang-man-sapat-pa-rin-merly-barcelo-smart-kids-book/

