Lance Abellon
Si Lance Abellon ay ang nasa likod ng kolektibang LAYA Manila, isang grupo ng mga makata at musikerong naglalayong makapagbigay inspirasyon sa pamamagitan ng pagtula at pag awit mula pa noong
2017. Siya ay isang lingkod ng Panginoon, anak, at kaibigan. Isang simpleng mamamayan lang rin ng bansang Pilipinas kagaya mo na hangad ang hustisya, pagbabago, katarungan at kalayaan. Naniniwala sa kapangyarihan ng salita at wika na makapagpataw ng buhay at pag-asa. Naging kalahok siya sa Performatura Festival Poetry Slam na ginanap sa Cultural Center of
the Philippines noong 2019. Mahilig sa musika at paminsan-minsan, songwriter, tumutugtog ng gitara at kumakanta-kanta kapag free time.
Siya ay nakapaglathala na ng tatlong aklat ng mga tula na pinamagatang “Biag (Buhay): Mga Tula”, (2019), “Ayat (Pag-Ibig): Mga Tula”, (2020), at “Biyahe: Mga Tula” (2021). Nakapaglabas na rin siya ng tatlong spoken word EP albums sa Spotify na may mga
pamagat na “Biyahe”, “Hinga”, at “Pag-Alala”. Kasalukuyang kumukuha ng kanyang Masters Degree sa Malikhaing Pagsulat sa Filipino at nagtatrabaho rin sa Unibersidad Ng Pilipinas-Diliman.