Joycel Vincent V. Dabalos
Si Joycel Vincent V. Dabalos ay nagawaran ng Presidential Scholarship para sa kanyang PhD in Philippine Studies sa University of the Philippines Diliman. Nagtapos siya ng kanyang MA in Language and Literature (major in Literature) sa De La Salle University Manila at AB/BSE Literature sa Philippine Normal University Manila. Siya ay naging fellow sa maikling kuwento sa 12th Palihang Rogelio Sicat. Mababasa ang ilan sa kanyang mga akda sa Heights Ateneo, Kawing Journal, at panitikan.ph na proyekto ng UP Institute of Creative Writing. Sa kasalukuyan, siya ay nagtuturo ng mga kurso sa wika at panitikan (language and literature) sa College of Education, Universidad de Manila.