Jaret Co
Nagtapos ako ng kursong business administration pero kumuha din ng Master of Fine Arts in Creative Writing (bagama’t ‘di natapos). Ipinagpatuloy ang hilig sa malikhaing pagsulat at ngayo’y nagtatrabaho bilang Digital Content Producer. Ang ilan sa mga katha ko’y napabilang na sa mga zine at sari-saring antolohiya ng mga dagli at tula.
Ang mga piyesa kong pang-spoken word poetry, “Dayalogo ng mga Damdamin” at “Kung Paano Pa Lalaya ang Sarili”, ay napasama sa Issue 1 (Crowds) & 2 (Resistance) ng Bukambibig Poetry Folio. Habang ang dagli kong “Giriwiring Bangungot” ay napabilang sa DAGSmash! Antolohiya ng mga Piling Dagli, samantalang ang isang tula sa Ingles ay nakasama sa Bangkang Papel: Antolohiya ng mga Piling Tula—ang parehong collection ay proyekto ng literary organization na PAPEL (Galawang Inay Marcela).
Napasama rin ang tula kong “ang kuwento ng isang malamig na bangkay sa buwan ng pebrero” sa 10th Issue Poetry Zine: Poets of the Apocalypse ng Paper Monster Press.
Ang nobela kong “Isang Pelikula” ay na-shortlist sa Cirilo F. Bautista Prize for the Novel noong 2015.
Pinarangalan akong “Best Published Author of the Year (Rookie Category)” sa 2020 Gawad Parangal sa Mundo ng Literatura organized by Penmasters Administration. Kasabay nito, ang nobela kong “Silang mga Winasak ng Mekanismo ng Pag-ibig” ay nagkamit ng “2nd Best Published Story of the Year (Rookie Author Category)”. Naging isa rin ako sa finalists ng “Project Foreword”, author search and mentorship program ng ABS-CBN Books.