Francisco Arias Monteseña

Isang propesor sa pribadong paaralang pangkolehiyo. Nakatira sa Angono Rizal. Produkto ang may-akda ng maraming National Writers Workshop kabilang ang 8thUSTNWW, 8th ANWW, 2nd UP Performance Poetry Workshop, Ika-limang Palihang Rogelio Sicat, 55th UPNWW at 3rd NEPEWW. Nahasa lalo ang pagsusulat sa LIRA, Linangan sa Imahen, Retorika at Anyo. Kasapi ng LIRA, Angono Tres- Siete Poetry Society at Hulagway Writers Group. Inilunsad ng NCCA at AILAP ang unang koleksyon niya ng mga tula ang “Pagluluno” na kabilang sa UBOD New Authors Series II. Inilimbag ng 7 Eyes Productions, OPC ang kaniyang mga aklat na Sa Ilalim ng Puting Ilaw, #inayserye at Kalmado. Nakatanggap ng mga parangal mula sa Komisyon Sa Wikang Filipino at apat na beses sa Talaang Ginto – Makata ng Taon, Tulaan sa Facebook, AWIT Foundation, at CANVAS Phils.