Description
Ang Paraluman ay isang malalim na paglalakbay sa kartograpiya ng pusong nawasak at kalaunan ay natutong humilom. Ang mga tula ay sumusunod sa mga direksiyon ng kompas at mga yugto ng pag-ibig at pagkabigo.
Sa hilaga nagsimulang pumatak ang mga luha.
Sa kanluran hindi mahanap ang kanlungan.
Sa silangan naramdaman ang paglisan.
Sa timog ang puso ay nadurog.
Hanggang sa matagpuan na sa mapa ang tatahaking landas patungo sa paghilom.
Ito ang ikalawang aklat ni Nikko Ander Abalos, kasunod ng kaniyang unang koleksyon na pinamagatang love is holding a sea urchin. Isang patunay ito ng mas matapang na pag-amin at mas makapangyarihang paglalakbay tungo sa pag-ibig na nagpapalaya.
Additional information
| Weight | 0.5 g |
|---|---|
| Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.







Reviews
There are no reviews yet.