Se Intercabio | Mister Yoso

₱460.00

Description

Pasaway na bata si Hayden. Hindi siya nakikinig sa mga bilin at payo ng kanyang Kuya Than. Lumaki siyang sakit sa ulo nito. Dahil doon, tatlong nilalang ang pinagtagpo sa maling pagkakataon. Nagkrus ang kani-kanilang landas dahil lang sa isang hindi sinasadyang pagkakamali.

Ulilang lubos sa mga magulang ang magkapatid, kaya si Than na ang tumayong magulang para kay Hayden.

Isang araw, bigla na lang nagkaroon ng himala. Ang dating pasaway at matigas ang ulo na si Hayden ay biglang nagbago. Bumait. Parang ibang tao na. Parang may ibang sumanib sa katawan nito.

Ang hindi alam ni Than, hindi na nga iyon ang kanyang kapatid. Ibang kaluluwa na ang naroon sa katawan nito.

Nasaan na ngayon ang kaluluwa ni Hayden? Pumasok din ba ito sa ibang katawan?

Reviews

There are no reviews yet.

Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.

error: Content is protected !!