Description
Isang gintong medalyon na nagtataglay ng kakaiba at hindi maipaliwanag na hiwaga ang magdadala ng tahasang pagbabago sa buhay ni Arturo. Mula sa dating pagiging sakitin na may mahinang pangangatawan, napagkalooban siya nito ng katangian at abilidad ng mga maalamat na atletang pilipino tulad ng makapangyarihang suntok ng kamao ni Manny Pacquiao, angking bilis at liksi sa pagtakbo ni Lydia de Vega, walang kapares na kahusayan at katumpakan sa pagsipat ng iba’t ibang anggulo ni Efren “Bata” Reyes, kamangha-manghang talino at talas ng isipan ni Eugene Torre, at ang nag-uumapaw na lakas na nananalaytay kay Hidilyn Diaz.
Papaano kaya niya haharapin ang malaking pagbabago sa kanyang buhay? Handa na ba niyang tanggapin o talikuran ang mga kaakibat na hamon at responsibilidad ng pagiging isang ganap na superhero? Anu-ano kaya ang mga nakaambang panganib at pagsubok na naghihintay para sa kanya?
Tunghayan ang pakikipagsapalaran ni Atleta bilang pinakabagong bayani ng bagong henerasyon.
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.




Reviews
There are no reviews yet.