Description
Sa Kaharian ng Swordania, isang espada lamang ang tinatanggap at kinikilala. Ang sinumang may pambihirang kakayahan na gumamit ng higit pa rito ay hinahatulan ng kamatayan. Kaya nang isilang si Lysander Ezeref na may natatanging abilidad na gumamit ng dalawang espada, kinailangan ng kaniyang pamilya na tumakas upang siya’y mailigtas.
Sa ilalim ng patnubay ng isang mahiwagang maestro, natuklasan ni Lysander ang nakatagong katotohanan. Binura ng mga Kampon ng Kadiliman ang kasaysayan ng kaharian, kabilang ang kuwento ng bayani nitong may kakayahang gumamit ng dalawang espada. Ngayon, hawak ng kasamaan ang kaharian at nabalot ng kasinungalingan ang nakaraan.
Sa tulong ng isang sinaunang potion, naitatago ni Lysander ang kaniyang kakayahan ngunit may kapalit ito, hindi siya maaaring umibig. Habang unti-unti niyang nadidiskubre ang kaniyang tadhana, kailangang pumili ni Lysander: Itatago ba niya ang kaniyang lihim o haharapin ang hamon ng pagiging tagapagligtas ng kaharian?
Isang kuwento ng katapangan, misteryo, at matinding sakripisyo. Paano kung ang ipinagbabawal ang tanging paraan upang mailigtas ang kaharian?
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.