Description
ABOUT THE BOOK
Ang NORA AUNOR DAKILA! Pambansang Alagad ng Sining ng Pilipinas para sa Pelikula at Sining Brodkast (Binagong Edisyon), ay isang pagtatangka tungo sa obhektibong pagpapakilala at pagpapahalaga sa komprehensibong lawak, bigat at kalidad ng sining at mga pamanang likha ni Nora Aunor sa mambabasang Pilipino lalo na sa ngayon at paparating pang henerasyon na hindi nakasaksi sa tugatog ng kanyang kasikatan at tagumpay bilang mang-aawit at aktor.
Pinagbulayan din ng aklat ang apat na katangian ng dakilang tao–pagpapakumbaba, paggalang, katapangan, at katwiran, at ginamit ang mga ito bilang lente upang sipatin ang kadakilaan ni Nora Aunor bilang manlilikha ng sining sa radyo, telebisyon, pelikula, teatro, konsert, at bagong midya na may marubdob na pagsintang nag-alay ng mayaman at may mataas na uring pamana ng kasiningan sa bansa at sa mundo.
ABOUT THE AUTHOR
Si LORENZO FUENTES TEMPLONUEVO, PhD ay masugid na tagamasid at mag-aaral ng buhay at ng popular na kultura ng Pilipinas. Nasubaybayan niya ang kabuuan ng showbiz career ni Nora Aunor mula 1967 sa Tawag ng Tanghalan hanggang sa pag-voice over niya sa simula at katapusan ng pelikulang Isang Himala (2024).
Si Lorenzo ay propesor, konsultant, entreprenyur at manunulat ng aklat (ikalima na niya ang aklat na ito). Ang kanyang full-length screenplay, Higit Pa Sa Mga Tala (2002), ay nailathala bilang isa sa dalawang screenplays na itinampok sa espesyal na edisyon ng San-Ag, ang pampanitikang journal ng Pamantasan ng San Agustin sa Lungsod ng Iloilo. Siya ngayo’y matiwasay na namumuhay bilang isang retirado at senior citizen sa Bayan ng Balagtas, Lalawigan ng Bulacan sa Pilipinas.
6 by 8.5 inches
Cream Paperback
Additional information
| Weight | 0.5 g |
|---|---|
| Dimensions | 10 × 2 × 20 cm |
Only logged in customers who have purchased this product may leave a review.



Reviews
There are no reviews yet.